top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

Pinaasa raw noon, atras nang makatrabaho uli… James, ayaw nang balikan ang nakaraan nila ni Julia

  • Beth Gelena
  • Nov 1, 2019
  • 1 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Samantala, sabi ni James Reid, okey siyang makatrabaho si Kathryn Bernardo but ‘no’ to Julia Barretto. Ang komento ng netizen, sino raw ba ang aayaw na ma­katrabaho si Kathryn, ang Box Office Queen na dalawang beses naging highest grossing film ang mga ginawang pro­jects? Eh, si Julia raw, iisa lang ang kumi­tang pelikula, at ‘yun ay nang naka­pareha nito si Joshua Garcia.

May pahabol pa ang mga netizens na baka raw hindi pa umabot sa kalahati ng kinita ng Kathryn-Alden Richards movie ang pelikula noon ng JoshLia.

Pero ang mga fans ni Kathryn, muk­hang hindi approved na makatrabaho ng aktres si James.

Anila, “Bakit kami mag-a-assume kay James Reid? Hello, who is he anyway? Taas, huh?”

“As if may hakot ka sa takilya... Wake up, Boy!

“Kaya nga ayaw kay Julia kasi flop din naman. Tapos may mga issues din sila dati, eh, di nagpaingay lang, wala na­mang magandang kalalabasan ‘pag nag-pair sila. Matalino rin si James.”

Naungkat naman ang nakaraan nina James at Julia.

Sey ng isang netizen, “‘Di ba, may past sila? Kaya siguro ‘No’ para iwas-issue nga naman.”

Nagsasabi lang daw ng totoo si James dahil baka raw ‘pag nagkatra­baho sila ni Julia ay ma­ging uncomfortable lang sila sa isa’t isa dahil may past issue ang mga ito.

“Parang nagamit siya ni girl. Pinaasa,” hirit pa ng isa.

Ang sabi naman ng iba, mas mabuti na raw na ‘wag pagsama­hin sa isang project sina James at Julia da­hil parehong may attitude ang mga ito.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page