Mag-BF na call center agent at casino dealer, kulong sa P2.3-m shabu
- Janice Baricuatro
- Nov 1, 2019
- 1 min read

Nasa mahigit P2.3 milyong halaga ng shabu ang nakuha sa magkasintahang call center agent at casino dealer sa isang buy-bust operation na ikinasa ng pulisya kamakalawa ng gabi sa Imus City, Cavite.
Kinilala ni Cavite Provincial Director Sr. Supt. William Segun ang mga naarestong suspek na si Kevin Ramirez, 26, call center agent at ang nobya nitong si Krisha Mendoza, 24, casino dealer.
Alas-10:30 ng gabi nang ikasa ang buy-bust operation sa Green Gate Homes, Malagasang 2-A ng lungsod kung saan isang pulis ang umaktong scorer. Magkasamang nakipag-deal ang mag-boyfriend at nang magkaabutan na ay dito na sila dinakma ng pulisya.
Narekober sa mga ito ang mga naka-plastic na shabu na aabot sa timbang na mahigit sa 296 grams na aabot sa mahigit sa P2.3 milyon ang halaga.
Narekober din ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.





Comments