Inutusan sa tindahan, hindi na nakauwi.. 10 yrs.old ni-rape, pinatay
- Jeff Tumbado
- Nov 1, 2019
- 1 min read

Bangkay na nang matagpuan ang 10-anyos na batang babae na hinihinalang ginahasa muna bago brutal na pinatay sa Murcia, Negros Occidental, kamakalawa.
Sa plantasyon ng tubuhan, nadiskubre ang bangkay ng biktimang si Kim Lachica, ng Bgy. San Miguel.
Walang saplot pang-ibaba ang biktima nang matagpuan ng isa sa kanyang kaanak na tumulong na rin sa paghahanap bandang alas-9:00 ng gabi.
Base sa report, inutusan lamang umano na pumunta sa tindahan sa Purok Silhigan ang bata.
Patuloy na ang imbestigasyon sa insidente upang malaman ang pagkakakilanlan ng salarin.





Comments