top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Nobyembre 1, 2019 (Biyernes)

  • Maestro Honorio Ong
  • Nov 1, 2019
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 1, 2019 (Biyernes): Totoong marami ang naiinggit sa iyo. Ang isa pang totoo, lalo silang maiinggit dahil higit kang susuwertehin kaysa sa kanila.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Daraan ka sa makitid na daan, pero kailangan mong magpatuloy dahil pan­samantala lang ito at ma­papalitan din ng malawak na landas ng buhay na iyong lalakaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-17-20-33-35-43.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang mag-alala sa mga suliranin mo ngayon. Ang mga ito ay katulad ng madilim na ulap na dumaraan lang at hindi nananatili sa kalangitan. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-18-20-34-41-45.

GEMINI (May 21-June 20) - Dito sa mundo, hindi puwede na walang gabi. Tanggapin mo ang katoto­ha­nang ito nang sa gayun ay dumating sa iyo ang ba­gong umaga. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran. Ma­suwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-20-25-39-40-46.

CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang maging emos­yunal. Gamitin mo ang iyong isip at sundan mo ang tama at matuwid na katwiran. Ang damdamin ay dumaraya sa tao para ma­kapag-isip kung ano ang ma­buti. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-12-27-30-31-34-37.

LEO (July 23-Aug. 22) - Mapa­palaban ka sa taong pilipit ang katwiran. Ka­pag napansin mong ganu’n ang iyong kausap, lumayo ka agad. Sayang ang oras mo sa ganitong klase ng tao. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-15-20-23-35-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakakatuwa ang sarili mo. Ikaw ay maki­ki­tang nakikipagdebate sa sarili mo. Walang mananalo sa ganu’ng sitwasyon, pero kung magkikilos-panalo ka ayon sa gusto mo, panalo ka. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-14-25-31-36-40.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi mo kaila­ngan ang taong mahirap kau­sap. Maghanap ka ng naki­kinig sa tamang katwiran. Hanapin mo rin ang handang umunawa sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-17-20-24-26-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dumating na ang takdang panahon ng pagbabago ng iyong kapa­laran. Huwag mong balikan ang kalungkutan, pag-iisa at pangungulila. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-17-20-21-23-30.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung sino ang magbibigay sa iyo ng kalu­wagan, siya ang iyong paki­samahan. Ang mga taong pabigat lang ay simulan mo nang iwas-iwasan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-17-25-39-41-43.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong panatili­hin sa damda­min mo ang mga bagay na hindi mo nagugustuhan. Sabihin mo sa kinauukulan, pero sa magandang pamama­raan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-16-17-20-23-44.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi mo kailangan ang sinuman kung sasakit lang ang iyong ka­looban. Mas maganda ang nag-iisa dahil payapa at tahimik. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-7-15-17-25-33.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mamasyal ka kapag nalu­lungkot ka. Hin­di puwede na hindi mabago ang kapaligiran mo dahil ang kalungkutan ay puwedeng masundan ng karamdaman. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masuwer­teng kulay-peach. Tips sa lotto-9-18-21-26-27-34.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page