'Di raw makapagpigil sa sobrang ligaya… Andrea, ibinulgar ang ginagawa sa kanya ni Derek
- Nitz Miralles
- Nov 1, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

Photo: @andreaetorres
May post si Andrea Torres ng photo nila ng BF na si Derek Ramsay na pareho silang naka-smile at obvious na happy. Short lang ang caption ni Andrea sa photo: “Sorry, I can’t help it. You make me so happy.”
Emoticons ng tao na nahihiya at emoticon ng red heart ang sagot ni Derek at sa pagbabasa namin ng comments, may bumati sa dalawa ng happy monthsary. Ibig bang sabihin, one month na ang relasyon ng dalawa as of yesterday?
Anyway, marami ang masaya para kina Derek at Andrea sa kanilang relasyon at may nag-comment pa na pakasalan na ni Derek si Andrea at alagaan daw nito ang aktres. May nagpayo rin sa dalawa to be always in love and happy.
Positive vibe rin ang dala ng picture ni Andrea kasama ang mom ni Derek dahil ang dating nu’n, tanggap ng mom ng aktor ang aktres para sa anak. Hindi nga ba’t ilang beses nang nag-dinner ang family ni Derek at ang family ni Andrea?
May nag-nega lang sa post ni Andrea ng appreciation letter ng sister niyang tinulungan niyang makatapos sa medical school at isa nang dermatologist ngayon. May pakialamerang nag-comment na hindi makakapagtapos ng medical school ang ate ni Andrea kung galing lang sa talent fee niya at sa pera ng dad niya.
Galit na galit ang basher, ang laki ng galit kay Andrea na dedma naman sa kanya. Pasalamat siya at hindi dini-delete ni Andrea ang napaka-negative niyang comment.





Comments