top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Vendor niratrat sa loob ng mall

Maeng Santos
Oct 31, 2019
1 min read

Dedbol ang isang vendor matapos pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa loob ng isang mall sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan si Ronnie Litaban, 35, vendor sa isang stall sa loob ng Zabarte Mall at residente ng Marilao, Bulacan.

Itinuturong suspek ang isang James Fajardo, na nagawang makatakas.

Sa nakarating na report kay Caloocan Police Chief Col. Noel Flores, alas-7:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng Zabarte Mall, ground floor sa Camarin Road corner Zabarte Road, Bgy. 175.

Base sa pahayag sa pulisya ng pinsan ng biktima na si Elmer Cadiong, 35, stall owner, namamahala ng kanilang stall ang biktima nang lumapit ang suspek saka naglabas ng baril at walang sabi-sabing pinagbabaril ito sa ulo at katawan.

Ani Caloocan Deputy Police Chief for Administration P/Col. Ferdinand del Rosario, patuloy ang follow-up operation ng mga tauhan ng Caloocan Police North Extension Office (NEO) para maaresto ang suspek habang inaalam pa ang motibo sa insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page