top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

UST, kinabig ang junior crown ng UAAP baseball

VA
Oct 31, 2019
2 min read

Photo: UAAP

Nakumpleto ng University of Santo To­mas ang kanilang tinagu­riang Cinderella run mata­pos ungusan ang Ateneo de Manila sa Game Three, 4-3, para makopo ang UAAP Season 82 Juniors’ Baseball crown noong Martes sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Tumapos na pinaka­huli noong nakaraang taon, bumawi ang UST nga­­yong season at inang­kin ang ikalawa nilang ti­tulo sa loob ng tatlong taon.

“Overwhelming, ‘yun lang masasabi ko. Lahat ng credit sa laro na ito ay sa mga bata. Luma­ban sila,” wika ni Junior Golden Sox coach Jeffrey Santiago.

Angat ng isa sa bot­tom ng seventh inning, 4-3, na struck out ni UST pitcher John Rafael Rega­lado ang unang dalawang batters ng Ateneo.

Pagkatapos nito, dala­wang Ateneo batters na sina Ezekiel Laygo at Mar­cel Guzman ang uma­bot sa base ngunit hindi na sila nagkaroon ng pag­kakataong umiskor dahil tinapos na ni Regalado ang laban matapos isama sa kanyang mga na struck out si Dax Fabella.

“Na-control ng pit­cher ko ‘yung laro. Sumu­sunod naman siya saka na-kondisyon talaga ‘yun. Matibay ang pitcher ko eh, si Regalado… At saka alam kong humihina na ‘yung pitching ng Ateneo kaya pina-bunt ko na kasi napansin ko last game, hindi makuha ng pitcher kapag nag-bunt kami,” dagdag ni Santi­ago.

“Kapag naka-hit sila, malamang talo kami. Sabi ko tirahin natin nang tira­hin ng curve­ball. Noong hinabol nila, strike­out. Magaling ta­laga ang pitcher ko.”

Napiling Finals MVP, nagbigay lamang ang tubong Naic, Cavite na si Regalado na bumato sa kabuuang pitong innings sa kanilang 7-3 panalo noong Game 2 ng limang hits at isang walk habang pinagretiro nito ang 11 Blue Eaglet batters sa hu­ling laro. Naghahabol pa sa iba­baw ng 5th inning, 1-2 naitabla ni Alwyn Piñero ang laro para sa UST ma­tapos ang isang hit sa cen­terfield ni Bryan Ca­marsi.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page