Tulong cancer treatment ni Coach Gorayeb, inilunsad

Sa nakaraang mga huling laro ng koponan ng PLDT sa 2019 PSL Invitational Cup, hindi nakapag coach ang kanilang mentor na si Roger Gorayeb.
Ito’y matapos na maratay sa ospital ang multi-titled mentor na dati ring national coach makaraang ma-diagnosed na may multiple myeloma-isang uri ng cancer na nabubuong tila white blood cells na kung tawagin ay plasma cells.
Kaugnay nito, nag-organisa ang volleyball community sa pangunguna ng mga dati at kasalukuyang manlalaro at mga kaibigan ni Gorayeb ng isang benefit concert sa Nobyembre 3, 2019 sa Filoil Flying V Centre upang matulungan ang beteranong mentor sa kanyang pagpapagamot.
Kabilang sa mga performers sa nasabing concert na mula sa entertainment at sporting field ay sina Cherry Rondina, Alyssa Valdez, Gretchen Ho, Kiefer Ravena, Thirdy Ravena, Kara Acevedo, Panpan Pantino, Nicole Tiamzon, Kalei Mau, Quest, Ebe Dancel, Wicked Adobo, Lunar Lights, Beauty Padillal at Anyo.
Para po sa lahat ng gustong tumulong ang VIP tickets para sa event ay nagkakahalaga ng P5,000 kung saan may tsansang makasalo ng may hawak ng tiket na makasama sa isang meet-and-greet dinner ang mga athlete-performers. Para naman sa Patron seats ang tiket ay P2,000 habang P1,500 at P500 ang halaga ng tiket sa lower box at general admission.





Comments