top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Tserman binaril ng riding-in-tandem

Gina Pleñago
Oct 31, 2019
1 min read

Isang barangay chairman ang binaril ng isa sa dalawang suspek na nakamotorsiklo sa harapan ng isang bangko sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Reynaldo Flores, 57, may asawa, tserman ng Bgy. 157, Pasay City, sanhi ng tama ng bala sa kaliwang tenga na tumagos sa kanang bibig.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek.

Base sa ulat ni Pasay City Police Chief Col. Bernard Yang, bandang alas-7:00 ng gabi nang mangyari ang pamamaril sa harapan ng isang bangko sa Bgy. 10, Zone 4, sa nasabing lungsod.

Sa inisyal na imbestigasyon, magkasamang nakatayo ang biktima at anak nitong si Carlo Flores nang sumulpot ang mga suspek at isa rito ang bumunot ng baril at pinutukan ng isang beses ang matandang Flores.

Patuloy na iniimbestigahan ang motibo sa krimen at nagsasagawa na ng follow-up operation para sa ikadarakip ng dalawang salarin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page