top of page
WINNER - DEREK, ENDORSER NG ONLINE GAMBLING-IG _ramseyderek07.jpg

Sintunado binaril sa leeg, todas

  • Paul Lamsen
  • Oct 31, 2019
  • 1 min read

Isang mister ang nasawi makaraang barilin sa leeg sa Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Rey Sapigao, nasa hustong gulang, may asawa habang pinaghahanap naman ang suspek na si Danilo.

Batay sa imbestigasyon, nasa kaarawan ng kanilang kaibigan ang biktima at ang suspek at nag-iinuman.

Hanggang sa malasing na ang mga ito at napuna ng suspek na sintunado na ang biktima. Hinihingi umano ng suspek ang mikropono mula sa biktima subalit, ayaw ibigay na nauwi sa pagtatalo.

Umuwi ang suspek subalit, bumalik ito nang armado saka binaril sa leeg ang biktima bago tumakas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page