top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Radio broadcaster in-ambush

Jeff Tumbado
Oct 31, 2019
1 min read

Sugatan ang isang local radio broadcaster sa Tacurong City sa Sultay Kudarat matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem, kahapon.

Kritikal sa St. Louis Hospital ang biktimang si Benjie Caballero, station manager ng Radyo ni Juan Tacurong.

Ayon kay Police Lt. Colonel Rey Egos, pasado ala-1:00 ng hapon nang maganap ang pamamaril sa biktima habang ito ay nag-aabang ng tricycle sa Purok Sampaguita, Bgy. New Isabel.

Nabatid na huminto sa kanyang harapan ang dalawang lalaking sakay ng motorsiklo at walang sabi-sabing pinagbabaril siya ng mga suspek.

Ilang tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng biktima.

Bumuo na ng team ang Tacurong Police para tutukan ang naturang tangkang paglikida kay Caballero na sinasabing may kaugnayan sa pagiging hard hitting commentator nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page