top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

PNP official, sibak sa graft

Jeff Tumbado
Oct 31, 2019
1 min read

Photo: Philippine National Police

Tinanggal na sa posisyon bilang PNP Regional Director sa Northern Mindanao si Police Brigadier General Rafael Santiago dahil sa kasong graft.

Martes ng hapon nang ipinatupad ni PNP Officer-in-Charge Lt. General Archie Francisco Gamboa ang suspension order na ipinalabas ng Office of the Ombudsman laban kay Santiago.

Ayon kay Gamboa, si Santiago ay sinuspinde ng anim na buwan kaugnay sa kasong may kinalaman sa logistics na isinampa noon pang 2012.

Matatandaan, na nitong Lunes nang itinanggi ni Gamboa sa isang press briefing sa Camp Crame ang mga akusasyon na may nangyaring “bata-bata” system sa katatapos lamang na malawakang revamp sa hanay ng PNP, kamakailan.

Sa katunayan, ayon kay Gamboa dalawa sa kanyang classmates ang naapektuhan din sa nasabing balasahan sa hanay ng mga matataas na opisyal ng PNP na sina Police Major Gen. Amador Corpus at P/Brig. General Edward Carranza.

Si Corpus ay nailipat mula sa Criminal Investigation and Detection Group para pamunuan ang Directorate for Human Resource and Doctrine Development habang si Carranza naman ay itinalaga sa Logistics Support Service mula sa pagiging regional director nito sa Region 4.

Sina Gamboa at Santiago ay mag-mistah din sa Philippine Military Academy Class of 1986.

Tiniyak din ni Gamboa na wala nang nangyayaring “bata-bata” system o favoritism sa PNP at hindi na ito dapat mangyari.

Nauna nang binigyan ng kapangyarihan ng National Police Commission si Gamboa para magpatupad ng balasahan kung saan mahigit 20 matataas na opisyal ng PNP ang naapektuhan kasabay ng pagsasailalim sa 3-month probationary period.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page