Ospital na may namatay na buntis at dinadalang baby, lagot!

Ipinatawag natin noong isang araw ang dalawang administrador ng dalawang pampublikong ospital sa Lungsod ng Maynila kung saan nailathala na may namatay na buntis at ang kanyang dinadalang sanggol dahil diumano sa kapabayaan ng nasabing mga ospital.
Dumulog at nagpaliwanag sa atin ang administrador ng Ospital ng Sampaloc at bukod dito ay ipinag-utos na rin natin ang pormal na imbestigasyon sa pangyayaring ito.
May kapabayaan ba sa nurse o doctor na nag-asikaso? May pagkukulang ba o kapabayaan ang driver ng ambulansiya? Ito ang mga tanong na dapat masagot upang makamit natin ang minimithi nating hustisya.
Ikinalulungkot natin ang pangyayaring ito at maaasahan ninyo na ibibigay natin ang lahat ng tulong na kinakailangan ng pamilya ng biktima.
Nagpatawag na rin diumano ng imbestigasyon si DOH Secretary Francisco Duque III at bagama’t, hindi nila jurisdiction ang nasabing mga ospital ay handa tayong makipagtulungan sa kanila upang mapabilis ang resulta ng imbestigasyon.
Mahalaga ang bawat buhay at ang mga opisyal at empleyado ng ospital o pagamutan ay binibigyan natin ng mas mataas na uri ng pananagutan at responsibilidad.





Comments