top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga purdoy, sapol.. Dagdag-buwis sa noodles, tuyo at sardinas

  • BRT
  • Oct 31, 2019
  • 1 min read

Pinag-aaralan ni Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Ramon Lopez ang pagpapataw ng dagdag na buwis sa mga salty products kabilang na ang tuyo, daing at dilis.

Kasama rin aniya sa posibleng saklawin ng dagdag na buwis ang mga noodles.

“On the industry, lalo na ‘pag food product, ideally walang tax sana. Lalo na ‘yang salt. Maraming tatamaan ‘pag salt,” ayon kay Lopez.

Nauna nang ipinanukala ni Department of Health Usec. Eric Domingo ang dagdag na buwis sa salty products dahil sa epekto nito sa kalusugan ng tao.

Dagdag na buwis ang nakikita nilang paraan para mailayo ang publiko sa masamang epekto ng salty products tulad ng dried fish.

“Kung gustong tax-an, tingin ko lang doon, ‘wag lang sobrang laki na para talagang ayaw mo nang ipakain. Kasi basic ‘yan, eh. Lalo na kung basic foods,” dagdag pa ni Lopez.

Samantala, marami na umanong mga bansa ang nagsasagawa ng sistema para mabawasan ang salt intake ng kanilang mga kababayan.

Sa mga pag-aaral ay lumalabas na ang labis na asin sa katawan ay nagdudulot ng hypertension, heart at kidney diseases.

Samantala, matatandaang kabilang ang sardinas sa mga produktong inihirit na taasan ang presyo dahil din sa reporma sa buwis, kasama na ang sinasabing pagmahal ng lata at langis na ginagamit sa operasyon sa paghuli ng isda.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page