Tserman pinagbabaril sa Bgy. hall

Isang tserman ang binaril sa harapan ng kanyang barangay hall sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.
Ginagamot si Robustiano Miro, chairman ng Bgy. 116, Pasay City, matapos magtamo ng sugat sa kamay at tadyang.
Sa ngayon, inaalam pa ang pagkakakilanlan ng nag-iisang suspek na nakasuot ng helmet at sakay ng motorsiklo na walang plaka.
Base sa ulat ni Pasay City Police Chief, Col. Bernard Yang, naganap ang pamamaril sa panulukan ng Dimasalang Street at Dimasalang Interior, Bgy. 116, alas-11:28 ng gabi at naiulat lamang ang insidente sa pulisya ng alas-12:15 ng hatinggabi.
Sa inisyal na imbestigasyon, nakatayo ang biktima sa barangay hall ng Bgy. 116 nang sumulpot ang suspek saka ito pinagbabaril.





Comments