Kagawad tiklo sa droga

Timbog sa buy-bust operation ang isang barangay kagawad matapos pagbentahan ang nagpanggap na police asset sa Bgy. San Jose, Sto. Tomas, Batangas.
Kinilala ang suspek na si Eric Ornales, may asawa, residente at kagawad sa nasabing lugar.
Batay sa report, alas-6:40 ng gabi nang ikinasa ang naturang operasyon kung saan gumamit muna ng confidential asset ang mga awtoridad upang makabili ng ilang sachets ng pinaniniwalaang shabu sa suspek.
Makaraang maiabot ang marked money sa asset ay agad na inaresto ang suspek saka dinala sa pulisya.
Nakuha sa pag-iingat nito ang nasa tatlong pakete ng hinihinalang shabu at marked money.





Comments