top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Iskul gumuho, ospital, city hall, simbahan at mga bahay wasak.. 6.6 lindol sa Mindanao, 5 patay

  • Jeff Tumbado
  • Oct 30, 2019
  • 2 min read

Lima katao ang patay habang nasa 215 ang sugatan makaraang yumanig ang Magnitude 6.6 na tumama sa malaking bahagi ng Mindanao, kahapon.

Batay sa National Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang sa mga nasawi ang 15-anyos na si Jessie Riel Parba, Grade 9 student ng Kasuga National High School sa bayan ng Magsaysay at ang 66 taong gulang na si Nestor Narciso ng Koronadal City, South Cotabato.

Ayon sa NDRRMC, nabagsakan si Parba ng mga debris mula sa nasirang gusali ng paaralan nito sa kasagsagan ng pagtama ng lindol.

Matindi namang pinsala ang natamo ni Narciso nang mabagsakan ng gumuhong pader sa loob mismo ng kanyang bahay.

Alas-9:04 ng umaga kahapon nang tumama ang Magnitude 6.6 na lindol sa bayan ng Tulunan, Cotabato kung saan tectonic ang origin nito at may lalim na pitong kilometro sa epicenter nito.

Naramdaman ang pagyanig ng lupa sa malaking bahagi ng mga sumusunod na lugar:

Intensity VII - Tulunan at Makilala, Cotabato; Kidapawan City; Malungon, Sarangani.

Intensity VI - Davao City; Koronadal City; Cagayan de Oro City

Intensity V - Tampakan, Surallah and Tupi, South Cotabato; Alabel, Sarangani

Intensity IV - General Santos City; Kalilangan, Bukidnon

Intensity III - Sergio Osmeña, Sr., Zamboanga del Norte; Zamboanga City; Dipolog City; Molave, Zamboanga del Norte; Talakag, Bukidnon

Intensity I - Camiguin, Mambajao

Instrumental Intensities:

Intensity VII - Kidapawan City; Malungon, Sarangani

Intensity V - Alabel, Sarangani; Tupi, South Cotabato

Intensity IV - Gingoog City, Misamis Oriental; General Santos City

Intensity II - Zamboanga City

Intensity I - Dipolog City; Bislig City; Palo, Leyte.

Samantala, tinatayang nasa 15 mag-aaral ang nasugatan nang bumigay ang kisame at pader ng kanilang paaralan sa Tulunan, Cotabato, malapit sa episentro ng malakas na lindol.

Isang klase lang umano ang nasa gusaling bumagsak. Ito ang ginagamit ng mga estudyante dahil ang katabing classroom ay hindi na rin ligtas pang gamitin matapos ang unang malakas na paglindol noong Oktubre 16.

Marami ring mga bahay ang napinsala sa pagyanig bukod pa sa mga nasirang ospital, government building at ilang mga simbahan sa magkakahiwalay na mga lugar.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page