top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Imported at local sa Sunday race excitement sa Metro Turf

MC
Oct 30, 2019
2 min read

Tinitiyak na magpapaligsahan ng husto ang tig-5 imported at local gallopers na kalahok sa 6th Pasay ‘The Travel City’ Cup na may tumataginting na P700,000 na papremyo ngayong Linggo sa MetroTurf Racing Complex.

Ito ang sinasabing pinaka-exciting na labanan para sa pantaunang event na ang pinaka-highlight ay labanan ng mga imported at locals na mag-aagawan sa top prize na P420,000.

Ang mga imported runners ay kinabibilangan nina Truly Ponti, Stella Malone, Certain To Win, Garantisado at Und Kantar habang ang mga locals naman ay sina Summer Romance, Victorious Colt, Scarborough Shoal, Metamorphosis at Pangalusian Island. Ang distansiya nito’y 1,600 meters.

Sa nakaraang 5 taon, apat na imported na ang nakasungkit ng kampeonato at ito’y sina Atomicseventynine sa inaugural event noong 2014, Silver Sword (2015), Sakima (2016) at Tin Drum noong 2018.

Si La Peregrina pa lang ang tanging local na nanalo sa pakarerang ito na nagsisimula ng pantaunang selebrasyon ng anibersaryo ng Pasay City.

Samantala, balikatan din ang 5 kabayong kalahok sa 6th Pasay Tony Calixto Cup na kinabibilangan nina Toy For The Big Boy, The Accountant, Shanghai Grey, Boss Emong, at My Jopay.

Meron ding nakatayang total guaranteed prize na P700,000 para sa 1,600-meter race na ito kung saan ang magkakampeon ay bibigyan din ng P420,000 at isang magarang tropeo.

Bakbakang umaatikabo rin ang inaasahang makita sa 5th Eduardo ‘Duay’ Calixto Cup na may nakalaang P300,000 guaranteed prize sa top 4 placers.

Opisyal na mga kalahok dito sina Mark of Excellence, Top Attraction, Harapin Mo, To It’s Si Bing, Union Run, Miss Campbell at Queensboro. Ang mananalo sa karerang ito na paglalabanan din sa 1,699 meters ay tatanggap ng top prize na P180,000 at isang magandang tropeo.

Nakatakda ring paglabanan sa Linggo ang mga sumusunod na meron ding mga added prizes at tropeong nakahanda sa mga mananalo: Pasay City Emi-Calixto Rubiano Trophy Race; Pasay VM Noel del Rosario Trophy Race; Mark Calixto Trophy Race; Pasay City Engineer’s Trophy Race; Pasay City District I Trophy Race; Pasay City Councilors District II Trophy Race; Pasay City Barangays Trophy Race at ang Resorts World Manila Trophy Race.

Tinangkilik at lagi nang inaabangan taun-taon ng mga racing fans ang Pasay ‘The Travel City’ Racing Festival dahil sa ganda ng lineup ng mga karera sa buong maghapon at dinudumog ang MetroTurf dahil na rin sa maghapong pa-raffle ng magagandang papremyo bawat karera.

Mas pinadami pa sa Linggo ang mapapanalunang mga papremyo ng mga masuwerteng mananalo sa karerahan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page