Haping-hapi na sa Siyete… Ai Ai, wala nang balak bumalik sa dos
Nitz Miralles / Bida

Photo: @kapusoprgirl
Nag-renew ng kanyang exclusive contract sa GMA Network si Ai Ai delas Alas at ipinost nito sa socmed account niya ang kanyang contract signing with the bosses of the network. Sa kanyang caption, sabi ni Ai Ai: “Ako Ai Kapuso Pa Rin.”
Dagdag nitong sabi, “GOD IS SO GOOD NG SOBRA SOBRA... thank you Lord sa aking bagong contract... salamat FLG, Ms. Lilybeth Rasonable, Ms. Ruth, Ms. Darling at sa lahat ng mga bosses... Salamat GMA at binigyan n’yo ulit ako ng pagkakataong makapagpasaya sa sambayanang Pilipino ng tatlong taon... salamat KAPUSO #akoaisagmapadin.”
Another three years ang kontratang pinirmahan ni Ai Ai sa GMA Network kung saan sa ngayon, napapanood siya sa Sunday PinaSaya at sa The Clash bilang isa mga judges kasama sina Christian Bautista at Lani Misalucha.
Dahil kinain na rin ng sistema ng K-pop, K-pop-inspired look ang ayos ni Ai Ai nang pumirma ng kontrata sa Kapuso Network. May suot pala siyang parang malaking salamin sa mata na hindi namin alam ang pangalan.
Anyway, may mga nag-worry palang Kapuso fans na baka bumalik si Ai Ai sa ABS-CBN dahil nang ma-interview daw siya tungkol kay Coco Martin, nai-share nito na napag-usapan nila ni Coco na gusto ng aktor na makatrabaho si Ai Ai sa telebisyon. Para nga naman matupad ‘yun, kailangang bumalik sa ABS-CBN si Ai Ai. Pero, mukhang wala nang balak lumipat si Ai Ai sa ibang network dahil happy na siya sa Kapuso.
Magkasama sina Ai Ai at Coco sa MMFF entry ng CCM Film Productions ni Coco na 3Pol Trobol, Huli Ka Balbon. Mag-ina ang role nila at si Jennylyn Mercado ang leading lady ni Coco.





Comments