top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

De Guzman, 2 beses nang sabit sa droga, 'lusot' pa rin sa PNP

Pabs Hernandez III
Oct 30, 2019
2 min read

ANG TINDI NG GALIT NI P-DUTERTE KAY GOITIA AT SA PRRC—Matapos sibakin ni P-Duterte si Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) Executive Director Jose Antonio Goitia dahil sangkot daw ito sa korupsiyon, ipinag-utos na ng pangulo sa Kongreso na buwagin na ang PRRC dahil sayang lang daw ang pondong nakalaan dito.

Siguro, ang laki ng halagang kinurakot ni Goitia sa PRRC kaya ang tindi ng galit ni P-Duterte sa kanya at pati ang ahensiyang kanyang dating pinamumunuan ay nadamay, period!

◘◘◘

“JOKE” NI P-DUTERTE, SINERYOSO NINA KIKO AT PILO —Nang sabihin ni VP Leni Robredo na palpak daw ang war on drugs ng kasalukuyang administrasyon, hinamon ni P-Duterte na bibigyan niya ito ng ‘power’ sa loob ng anim na buwan para raw makita ng publiko kung paano nito pamumunuan ang war on drugs.

Maituturing na “joke” ang sinabing ito ni P-Duterte dahil imposibleng bigyan niya ng power si VP Leni, pero sineryoso ito ng “dilawan” kasi sabi ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, dapat daw, tatlong taon dahil kulang ang anim na buwan at ayon naman kay ex-SolGen. Florin “Pilo” Hilbay, mag-resign na lang ang pangulo para si VP Leni na ang mamuno sa bansa, boom!

◘◘◘

ANG LAKAS NG “NINJA COP” SA LIDERATO NG PNP —Ang desisyon ni PNP-Internal Affairs Service (IAS) Inspector General Alfegar Triambulo ay i-dismiss na sa serbisyo si Lt. Joven de Guzman dahil ilang beses na itong nasangkot sa isyu ng droga, pero ayon kay PNP-Office-in-Charge Lt. Gen. Archie Gamboa, suspensiyon muna at bigyan ito (De Guzman) ng pagkakataong ipagtanggol ang sarili sa mga alegasyon sa kanya.

Sobrang lakas naman ni De Guzman sa liderato ng PNP kasi nasangkot na ito sa droga sa Pampanga noong 2013, nasangkot na naman sa droga noong May 2019, pero imbes na tanggalin sa serbisyo, ang sabi ng PNP-OIC, bigyan pa raw ng chance, buwisit!

◘◘◘

WALONG POLICE ESCORTS, “NGANGA” LANG HABANG BINABARIL SI MAYOR NAVARRO—Ang duda ni P-Duterte ay mga pulis daw ang pumatay kay Clarin, Misamis Occidental Mayor David Navarro sa Cebu.

Dapat pa bang i-memorize ‘yan, walo ang police escorts ni Navarro at “nganga” lang ang mga ito habang binabaril ng mga maskaradong lalaki ang alkalde, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page