top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

CSB AniGators, sasabak sa HADO World Cup

MC
Oct 30, 2019
1 min read

Itinanghal na kampeon ang De La Salle-College of Saint Benilde (CSB) AniGators sa kauna-unahang NCAA HADO Pilipinas Tournament Finals na ginanap noong Biyernes (Okt.25).

Tinalo ng AniGators ang Emilio Aguinaldo College (EAC) Crim Pythons para maging kinatawan ng Pilipinas sa gaganaping HADO World Championships sa Tokyo, Japan ngayong Disyembre. Binubuo ang Anigators nina Niccolo Perez, John Basoc, Jael Dango, Mika Lariosa at Fiel Julo na tinapos ang torneo na hindi nababahiran ng talo. Handa na silang harapin ang iba’t iba pang koponan ng HADO sa buong mundo para sa premyong nagkakahalaga ng ¥2 million.

Isang inobasyon ang Hado Pilipinas ng ABS-CBN sa pagpapatuloy na paghahandog ng network ng kakaibang karanasan para sa mga Kapamilya.

Unang ipinakilala ang nasabing techno sport noong Hulyo sa simula ng ika-95 na season ng NCAA. Maaari nang masubukan ang HADO sa Coslandia 2019 sa SMX Aura sa darating na Linggo (Nob. 3). Nalalapit na ring buksan ang inaabangang HADO Camp sa naturang TV network.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page