Creamline at Petrogazz, agawan na sa PVL crown

Itataya ng Creamline ang trono nito kontra PetroGazz sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference Finals simula Nobyembre 6 sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.
Nais ipagpatuloy ng Cool Smashers ang kanilang pagre-reyna sa PVL at bawian ang koponang tumalo sa kanila sa nakaraang Reinforced Conference Finals.
Wala pang talo ngayong sa torneo ang Creamline, na tinapos ang Motolite sa loob ng dalawang laro sa semifinals, tulad nang ginawa ng Angels kontra BanKo Perlas.
Matutunghayan ng fans ang LIVE coverage ng Game 1 ng 6 pm sa S+A, LIGA, at LIGA HD sa cable at pati na rin sa iWant. Dakong 4pm ang Battle for Third sa pagitan ng BanKo Perlas Spikers at Motolite Power Builders, na ipapalabas sa S+A ng Nob. 7 ng 11:30 am.
Inaabangan na ang pagpapalitan ng palo nina Alyssa Valdez, Jema Galanza at Michelle Gumabao para sa Creamline habang pambato ng PetroGazz sina Cherry Nunag, Jonah Sabete at Jovielyn Prado.
Samantala, isang tanso na naman ang minamataan ng Perlas Spikers sa kanilang pagharap sa Power Builders sa Battle for Third.
Mapapalaban sina Dzi Gervacio, Nicole Tiamzon at Kathy Bersola ng BanKo Perlas kontra kina Myla Pablo, Isa Molde, at Tots Carlos ng Motolite.
Gaganapin ang Game 2 sa Nobyembre 9 at ang Game 3, kung kailanganin, sa Nobyembre 13.
Itatanghal sa isang awarding ceremony ang pinakamahuhusay na indibidwal sa Open Conference sa Game 2.





Comments