6.6 magnitude na lindol sa Mindanao, big one, coming soon
Tinamaan ng Magnitude 6.6 na earthquake ang Mindanao.
Ito na ang pinakamalakas na lindol sa Timog sa kasalukuyang panahon!
◘◘◘
MALINAW na gumagalaw ang earthplates sa Mindanao.
Maaaring masundan ito ng “The Big One”!
◘◘◘
INILILIPAT na kay VP Leni ang pagiging kumander sa war on drugs.
Sige, tanggapin mo at baka matsambahan mo!
◘◘◘
GUMIGIRE na raw si Sen. Manny Pacquiao bilang ‘presidentiable’.
Nag-iipon pa ‘yan ng bilyones!
◘◘◘
PAANO na ‘yan kapag nag-tandem ang dalawang “Manny”?
Sina Manny Pacquiao at Manny Villar!
◘◘◘
TULUYAN nang namaalam sa active service si ex-PNP Chief Oscar Albayalde.
Wala pang ipinapalit sa kanya.
May kasabihan ang mga Tagalog na “kapipili nang kapipili, baka matapat sa bungi”!
◘◘◘
MATATAPOS na raw ang rehab sa Sangley Point Airport.
Simbilis ng kidlat!
◘◘◘
PESTE ang traffic sa SLEX.
Nahawa na sa EDSA!
◘◘◘
AYAW sumawsaw ni Kris Aquino sa away ng mga Barretto.
Baka masapawan niya ang tunay na isyu!
◘◘◘
ABALA ang paghahanda sa Araw ng mga Patay.
Wala bang “araw para sa mga buhay”?





Comments