top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Pulis binentahan.. 74-anyos kulong sa P1 milyong droga

Maeng Santos
Oct 29, 2019
1 min read

Mahigit P1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa 74-anyos na lolong tulak umano ng ilegal na droga matapos madamba sa buy-bust operation sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan Police Chief P/Col. Noel Flores ang naarestong suspek na si Alcober Rosevelito alyas Bossing, 74, ng Bgy. 176, Bagong Silang.

Ayon kay Col. Flores, alas-11:25 ng umaga nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo kontra sa suspek sa BF Homes Subd., Bgy. 168, Deparo.

Nang iabot ng suspek sa pulis na nagpanggap na buyer ang isang sachet ng shabu kapalit ng P3,000, kasama ang 72 piraso ng 1,000 boodle/fake bill na ginamit bilang buy-bust money ay agad itong sinunggaban ng mga operatiba.

Nakumpiska sa suspek ang buy-bust money at isa pang nakataling transparent plastic bag na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang lahat sa 150 gramo, kasama ang drug subject of sale at nasa P1,020,000 ang halaga.

Inaalam na ng pulisya kung sino ang source ng suspek ng ilegal na droga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page