Pinakamalaking libreng Dialysis Center sa bansa, bukas na!

Binuksan na noong Huwebes ang pinakamalaking libreng dialysis center sa bansa. Ang Flora V. Vasino de Siojo Dialysis Center na matatagpuan sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center.
Ipinangalan natin ito sa lola ng ating dating alkalde na si Alfredo "Fred" Lim na sinamahan tayo sa inauguration na pinagtibay at inaprubahan naman ng ating konseho sa pamumuno ni Vice-Mayor Honey Lacuna.
Maliit na pagkilala lamang ito sa mahigit 20 taong serbisyo ni ex-Mayor Lim sa Lungsod ng Maynila, pero mahigit pa rito ay ang pasasalamat natin sa ating naging panawagan na isantabi na at itigil na ang pamumolitika.
Panahon na para kalimutan ang nakaraang halalan at magkaisa na tayo para sa pagbabago at ikauunlad ng mahal nating lungsod.
Mayroong 91 dialysis machines sa center at maaaring madagdagan pa ito kung kinakailangan.
Samantala, nais nating magpasalamat sa mga bumati at nagpadala ng mensahe noong aking kaarawan at lalung-lalo na sa mga nakinig sa ating panawagan na lumabas at maglinis sa kani-kanilang paligid. Naging matagumpay ito at sana ay gawin nating mas madalas ito at hindi lamang tuwing may okasyon.
Muli, maraming-maraming salamat po!





Comments