top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Pacquiao at Jack Ma, Joint Forces vs. Mayweather, Jr.

Ka Ambo
Oct 29, 2019
2 min read

Ayaw tumigil ni VP Leni sa kapuputak!

Baka mangingitlog?

◘◘◘

KINOKORNER daw ng China ang Kaliwa Dam.

Puwes, ibigay sa U.S. ang kanan!

◘◘◘

MAGTUTUWANG daw sina Sen. Manny Pacquiao at Jack Ma laban kay Floyd Mayweather, Jr.

Kuwarta kontra sa kuwarta!

◘◘◘

GANDANG lalaki ni Atong Ang.

Salaping nangwawasak ng puri ng pamilya at kababaihan!

◘◘◘

PUWEDE namang gamitin ang salapi sa ikabubuti ng bansa.

Gamitin ang salapi sa pagpapasigla ng industriya!

◘◘◘

SUMISIGLA ngayon ang aviation industry, lalo na nang mabili ng Pamilya Romero ang AirAsia Philippines.

Ito ngayon ang may pinakamababang presyo ng ticket sa lahat ng airlines.

Marami na ang nakabibiyahe nang ligtas sa iba’t ibang bansa kahit maliit lang ang badyet!

◘◘◘

IKINATUTUWA rin natin ang suporta ng 1 Pacman Partylist sa nakatakdang 30th Southeast Asian Games na punong-abala ang Pilipinas.

Pinakamayamang kongresista si Rep. Mikee Romero, pero aktibo rin siya sa larangan ng sports!

◘◘◘

IRE-REPRESENT ni Rep. Romero ang Pilipinas sa polo sports events sa SEA Games ngayong Nobyembre na gaganapin sa modernong Clark City.

Dapat maging haligi sa kaunlaran ng bansa ang mga multi-bilyunaryo imbes na maging bida sa mga kahiya-hiyang intriga sa bansa!

◘◘◘

DAPAT nang mag-cloud seeding upang magamit nang todo ang ulap sa kalawakan.

Hindi puwedeng mag-cloud seeding kapag walang ulap, pero ayaw pang kumilos ng Malacañang!

◘◘◘

SA ngayon, meron pang mga ulap na epekto ng katatapos na tag-ulan, pero matapos ang Nobyembre at Disyembre, maglalaho ang mga ulap at hindi na puwede ang cloud seeding.

Sinasadya raw ng gobyerno na matuyot ang mga dam upang maitulak ang mga Chinese na gawin ang Kaliwa Dam!

◘◘◘

ANG pagiging ganid ng mga negosyante at opisyal ng gobyerno ang tunay na sanhi ng krisis.

Ang kapabayaan o katamaran at sinadyang pagtengga sa paggawa ng alternatibong dam ay maituturing na korupsiyon.

Hangga’t may korup sa pamahalaan, paulit-ulit lang ang krisis!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page