top of page

Nakakatakot na panaginip sign na boring ang buhay

  • Socrates Magnus
  • Oct 29, 2019
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Georgenes Bruis ng Georgenes_ Bruis_Clark@facebook.com

Dear Professor, Gusto kong malaman kung ano ang ibig sabihin ng panaginip ng teacher ng anak ko? Nag-message sa akin ang teacher ng anak kong bunso at sabi niya, napanaginipan daw niya ‘yung isa ko pang anak na nasa ospital na nagsusuka ng dugo at 50-50 na raw.

Naghihintay, Georgenes Bruis

Sa iyo Georgenes Bruis, Siguradong nag-alala dahil baka kung ano ang mangyari sa anak mo. Huwag kang matakot at alisin mo ang iyong pangamba at para mawala ito, unawain mo ang mahahalagang bagay sa pag-i-interpret ng mga panaginip.

Ayon sa mga eksperto, kapag nanaginip ng nakakatakot na pangyayari, ang nanaginip ay may boring na buhay. Dahil dito, masasalamin na ang buhay ng teacher ng anak mo ay boring, kumbaga, inaatake siya ng matinding pagkabagot. Ayon sa mga psychologist, kapag ang tao ay bored na bored, gumagawa siya ng paraan para malabanan ng kanyang hindi nakikitang sarili, ang pagkabagot.

Kadalasan ay mananaginip siya ng tulad ng nabanggit mo kung saan ang anak mo ay nakaranas ng sitwasyon na hindi maganda.

Siya na nanaginip at sa mga sandaling ito, tumaas ang level ng kanyang adrenaline. Ang adrenaline ay hormone na lumalabas kapag natatakot ang tao. Siguradong natakot ang teacher ng anak mo kaya ang kanyang adrenaline ay nasa mataas na lebel sa mga oras na iyon.

Sa ganitong pagkakataon, ang kanyang boredom ay nawala. At sa totoo lang, ipinapayo sa mga bagot na bagot sa buhay ay ang “living to the edge” o kailangan nilang makipagsapalaran sa mga aktibidad na sila ay malalagay sa panganib. Hindi man buhay ang daraan sa panganib, ang kanilang tagumpay o kabiguan ay nakasalalay.

Kaya kung may pagkakataon ka, sabihin mo sa teaher ng anak mo na lakasan niya ang kanyang loob, makipagsapalaran siya upang maharap sa hamon ng kapalaran para mawala ang kanyang pagkabagot sa buhay.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page