top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Kulang sa trak at fire station.. Modernisasyon sa BFP, inihirit

Jeff Tumbado
Oct 29, 2019
1 min read

Hiniling ni Tingog Partylist Rep. Yedda Marie Romualdez kay House Speaker Alan Peter Cayetano na iprayoridad ang modernisasyon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Ito ay kasunod na rin 17 oras na itinagal ng sunog sa isang mall sa Tacloban City, gayundin ang kakulangan ng mga kagamitan sa pamatay-sunog lalo na sa mga malalayong probinsiya.

Ayon kay Romualdez, sa 143 LGUs sa Eastern Visayas, 26 ang walang fire truck at wala ring fire station.

Marami rin aniyang mga lugar sa probinsiya ang gumagamit ng luma at kakarag-karag na trak ng bumbero.

Dahil dito, kinalampag ng lady solon ang pag-apruba sa modernisasyon sa BFP para mabigyan na ng dagdag na fire trucks, matayuan ng fire stations at mabigyan ng makabagong firefighting equipment ang mga bumbero sa mga kanayunan.

Idinagdag pa nito ang pagkakaroon ng safety equipment ng mga bumbero lalo’t delikado ang buhay nila kapag sumusuong sa mga insidente ng sunog.

Tiniyak naman ni House Majority Leader Martin Romualdez na hahanap ng paraan ang Kamara para mapondohan ang kailangang modernisasyon sa BFP.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page