top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Horoscope | Oktubre 29, 2019 (Martes)

Maestro Honorio Ong
Oct 29, 2019
2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Oktubre 29, 2019 (Martes): Sisikat ka at hahangaan. Gina­garantiyahan ito ng araw ng iyong pagsilang kaya tiyak na magkakatotoo ang mga ito sa iyong bu­hay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Uunahin mo ang ibang tao kaya ang ilan sa mga mahal mo sa buhay ay magtatampo sa iyo. Huwag mo silang pansinin dahil ang pagpapahalaga sa kapwa ay puhunan mo rin. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-16-20-24-30-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pasaya­hin mo ang ki­lala mong ma­lungkot. Isang sikreto ito para buwenasin ka kung saan kapag pinasaya mo ang tao, aapaw ang ma­gagandang bagay sa bu­hay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-18-20-24-30-36.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang manghi­na­yang sa ga­gastusin mo sa iyong mga kaibigan. Ang kapalit nito ay ang mga suwerteng ma­pasasaiyo. Ito ang mensahe ng iyong kapa­laran sa araw na ito. Masu­werteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-14-19-22-23-42.

CANCER (June 21-July 22) - Nakaka­tuwa ang iyong kapalaran nga­yon. Ikaw ay bibigyan ng langit ng prebilehiyo na piliin kung ano ang gusto mo sa maraming oportuni­dad na ilalagay sa harapan mo. Ma­suwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-9-14-16-27-33.

LEO (July 23-Aug. 22) - Na­tutuwa sa iyo ang langit. Ibi­nabandera mo ang kanyang mga banal na aral. Dahil dito, ginawa kang espesyal kung saan kapag sa langit ka hihiling ng iyong mga kailangan, hindi ka mabibigo. Masuwerteng ku­lay-brown. Tips sa lotto-16-20-21-23-35-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tanggapin mo nang maluwag sa loob mo ang mga kaganapan sa iyong harapan. Ang lahat ng ito ay kailangang mangyari nang sa gayun ay mabig­yang-daan ang pagdating ng mga suwerte mo. Ma­suwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-17-25-28-38-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bakit ka susu­ko? Hayaan mo na ang ma­hal mo ang sumuko sa iyo. Balikan mo ang mga naka­raan dahil siya ang pala­ging sumusuko sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong ka­palaran ngayon. Masuwer­teng kulay-green. Tips sa lotto-11-18-21-22-26-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang magtam­po kapag hindi tumupad sa kanyang pa­ngako ang taong malapit sa iyo. Isipin mo na lang na may mga pagkakataong ikaw ay hindi nakatutupad sa pangako. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-12-14-18-20-23.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumuha ka ng isa at pa­ramihin mo. Kumuha ka ng dalawa at pa­ramihin mo. Ito ang isabuhay mo, lalo na sa larangan ng negosyo dahil sa ganitong paraan, yu­mayaman ang mga ne­gosyante. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-19-21-25-36-45.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Maki­pag­sapalaran ka at ikaw ay ma­nanalo. Dapat mong ma­unawaan na rito sa mundo, ang buhay ay pakikipag­sapalaran. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-23-30-31-32-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit na­pipilitan ka, gawin mo ang ayaw mong gawin. Ang kakaibang pormulang ito ng buhay ay may mahiwa­gang epekto sa iyo kung saan ikaw ay bonggang susuwertehin. Masu­wer­teng kulay-beige. Tips sa lotto-6-16-20-23-25-39.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang mag-alala kung magka­kahalu-halo ang iyong mga gawain. Ang totoo, lahat naman ng mga sabay-sabay mong gagawin ay magbubunga ng magagandang kapa­laran para sa iyo. Masu­werteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-15-17-29-24-30.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page