top of page

Habang pababa ng jeep.. Pulis, nabaril ang sarili

  • Gina Pleñago
  • Oct 29, 2019
  • 1 min read

Isang pulis ang aksidente umanong nabaril ang sarili habang pababa ng pampasaherong jeep sa Pasay City, kamakalawa.

Ginagamot sa San Juan De Dios Hospital si Patrolman Jun Jun Utto, 28, nakatalaga sa Regional Mobile Force Battalion ng NCRPO/LRT Depot, sanhi ng tama ng bala sa kanang tuhod mula sa kanyang service firearm Kanik Striker 9mm pistol.

Ayon sa ulat ni Pasay City Police Chief Col. Bernard Yang, alas-2:30 ng hapon nang mangyari ang insidente sa FB Harrison Extension at nakarating ang report sa Tactical Operation Center bandang alas-5:00 ng hapon.

Sa inisyal na imbestigasyon, habang pababa sa jeep si Pat. Utto nang biglang pumutok ang kanyang service firearm at aksidenteng tinamaan ang tuhod nito.

Agad namang dinala ang naturang pulis sa nasabing pagamutan.

Nagsasagawa na ng kaukulang imbestigasyon ang mga awtoridad sa insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page