Grocery store hinoldap, sekyu at tindero tinodas

Patay ang dalawang tauhan ng isang grocery store sa Bgy. Holy Spirit, Quezon City matapos pagbabarilin ng mga holdaper, kamakalawa ng gabi.
Dinala sa ospital ang guwardiya at merchandiser ng grocery matapos barilin ng apat na lalaki na nanloob sa establisimyento, pero binawian din sila ng buhay.
Wala namang nakuhang pera ang mga suspek dahil naka-lock ang kaha. May kustomer din nang mangyari ang holdapan na hindi naman nadamay.
Samantala, isang lalaki ang nagsilbing lookout sa labas ng grocery kaya agad nakatakas ang mga suspek.





Comments