AFP at PNP, todo-bantay sa pag-atake ng ISIS

Bagaman, walang nakikitang banta ng terorismo, mahigpit na binabantayan ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang posibleng pag-atake ng mga sympathizer ng ISIS.
Ito’y kasunod na rin ng anunsiyo ni US President Donald Trump na namatay sa pag-atake ng US Special Forces sa northwest Syria ang puganteng Islamic State leader na si Abu Bakr al-Bagdhadi.
Ayon kay PNP Spokesman BGen. Bernard Banac, wala pa namang matibay na ebidensiya na target ng ISIS ang Southern Mindanao para maging sentro ng kanilang imbestigasyon kaya patuloy lang ang kanilang ginagawang ‘security operations’ at ‘validation’.
Dagdag pa niya ay nananatili pang kalmado at payapa ang sitwasyon sa Mindanao pero, sa kabila nito ay hindi naman sila nagpapakampante.
Sa ngayon, nakataas sa full alert status ang PNP ngayong Undas.





Comments