15-anyos na anak, nabuntis, takot ipaalam sa mister na OFW
- Roma Amor
- Oct 29, 2019
- 1 min read

Dear Roma, Ako si Alice, 41, at sumulat ako sa inyo dahil sa problema ko sa bunsong anak ko na 15-anyos. Nang ipina-check-up ko siya, nalaman naming may appendicitis siya kaya lahat ng sinabi ng doktor ay sinunod namin at gumaling naman siya. Pagkalipas ng ilang buwan, nakaramdam na naman siya ng pananakit ng tiyan kaya nagpabalik-balik kami sa ospital at nalaman naming limang buwan na siyang buntis. Hindi ko alam ang gagawin ko at kung paano ito sasabihin sa mister kong OFW. Sana ay matulungan n’yo ako. – Alice
Alice, Hindi talaga madaling tanggapin ang kalagayan ng anak mo, lalo na at bata pa siya. Pero ngayon, ang pinakamabuti mong gawin ay manatili ka sa tabi niya dahil ikaw ang kailangan niya. Gayundin, humanap ka ng tiyempo para masabi ito sa mister mo dahil kailangan niya itong malaman sa lalong madaling panahon. Tandaan, ang pamilya ay pamilya kahit ano pang pagsubok ang pagdaanan at bilang magulang, higit kanino pa man, kayo ng asawa mo ang dapat sumuporta sa inyong anak. Kaya n’yo ‘yan. God bless!





Comments