Oct. 31, Nov. 1 at 4.. Walang coding
- BRT
- Oct 28, 2019
- 1 min read

Suspendido ang number coding sa lahat ng sasakyan sa November 1 habang sa mga provincial bus naman sa October 31 at November 4, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Layon nitong ma-accommodate ang maraming bilang ng mga pasahero pauwi ng iba’t ibang lalawigan.
Matatandaang, nauna nang sinabi ng ahensiya na nasa 2,300 MMDA personnel ang ipakakalat mula October 30 hanggang November 4 para umasiste sa mga motorista at pasahero.





Comments