top of page

Mga patay, dapat pa nga bang alayan ng pagkain at bulaklak? Katotohanan tungkol sa mga multo at kalu

  • Sr. Socrates Magnus II
  • Oct 28, 2019
  • 2 min read

Bigyang-daan natin ang ilang katotohanan na may kaugnayan sa Araw ng mga Patay o Undas.

Totoo bang may multo? Totoo bang nakakabalik ang mga patay o kaluluwa ng mga pumanaw na? Ano ang katotohanan sa likod ng Todos Los Santos o Araw ng mga Patay?

Marami ang hindi naniniwala sa multo, pero marami rin ang naniniwala rito. Hinggil sa kung may kaluluwa ang tao, may ilan na nagsasabing walang kaluluwa ang tao dahil ang sinasabing kaluluwa ay ang mismong katawan.

Gayunman, may nagsasabi na hindi na alam ng patay ang nangyayari sa mundo ng mga buhay kaya ang pag-aalay ng bulaklak sa mga puntod ay walang kabuluhan. Ang pag-aalay ng pagkain sa mga puntod ay gayundin, walang saysay dahil hindi ito makakain ng mga patay. Ito ang mga dahilan kung bakit binabalewala ng ilan ang Todos Los Santos.

Gayunman, marami ang naniniwala na may kaluluwa ang tao kung saan ang kaluluwa ay hindi ang katawan dahil ito ay espiritu.

Hindi rin basta mababalewala ang mga karanasan ng marami na nagbalik ang kaluluwa ng kanilang mga mahal sa buhay kung saan ang mga ito ay nagparamdam, dumalaw, nakita at napananaginipan ng kanilang mga naiwan na mahal sa buhay.

Tila walang katapusan ang debate kung may multo o wala. Dahil dito, minabuti natin na magpasya kung may multo o buhay pa ang kaluluwa kahit patay na ang tao at ang pagbabasehan natin ay ang mga salita ng Diyos o Bible.

Ipinaaalala sa mga mambabasa na ang ating kolum na Karunungang Lihim ay hindi nang-eengganyo na lumipat ng relihiyon dahil ang kolum na ito ay hindi pangrelihiyon at nagkakataon lang na ang mga pasya ay mga katotohanan na may kinalaman sa hiwaga ng tao, mundo at karunungang lihim.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page