top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Lady Tams, sure na sa playoffs ng UAAP Women’s Basketball

  • VA
  • Oct 28, 2019
  • 1 min read

Nakatiyak ng playoff para sa isang Final 4 berth ang Far Eastern University matapos gapiin ang University of the East, 64-41, kahapon sa UAAP Season 82 Women’s Basketball Tournament sa Ynares Center sa Antipolo.

Ang nasabing panalo ng Lady Tamaraws ay pinamunuan ni Clare Castro sa itinala nitong 14 puntos, 12 rebounds at 2 blocks. Buhat sa panimula nilang 19-6 blast, dinomina na ng FEU ang laban at pinalobo pa hanggang 32 puntos ang kanilang kalamangan sa iskor na 62-30, may 7:09 pang nalalabi sa orasan.

Saktong naging regalo ang nasabing panalo na nagtaas sa Lady Tams sa markang 8-6, panalo-talo para sa kanilang coach na si Robert Flores na nagdiwang ng kanyang ika-51 kaarawan kahapon. “Kailangan namin ‘yan going to the Final Four. Pa-birthday na nila sa akin,” pahayag ni Flores. “Sabi ko lang, don’t give up dahil may chance pa tayo. Masyado na tayong down eh, so mabuhayan lang tayo at mabalik yung confidence nila, masaya na ako. Hindi pa tapos eh.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page