top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

La Salle , nag-gold medal sa Women’s Volley ng UniGames

  • A. Servinio
  • Oct 28, 2019
  • 1 min read

Iloilo – Nagkulay berde ang pagtatapos ng 24th Philippine University Games (Unigames) sa University of San Agustin noong Sabado matapos kunin ng De La Salle University ang gold medal sa Women’s Volleyball kontra sa College of Saint Benilde.

Kinailangan ng Lady Spikers ang mahigpit na limang set para tapusin ang laro sa Lady Blazers, 25-17, 21-25, 23-25, 25-17 at 15-12.

Kabaligtaran ito ng resulta ng naunang labanan sa panig ng kalalakihan kung saan madaling nanaig ang Blazers sa Green Spikers para makuha ang ginto sa tatlong set, 25-21, 25-19 at 25-18.

Ang mga nakakuha ng tanso ay ang Rizal Technological University sa kalalakihan at ang dating kampeon na University of Santo Tomas sa kababaihan.

Nagpakitang gilas din ang Saint Benilde sa Women’s Basketball kung saan pinabagsak nila ang dating walang talong Enderun Colleges, 64-58.

Nakaganti ang Lady Blazers sa kanilang 75-82 na pagkabigo sa Lady Titans sa elimination round.

Pinatumba ng Colegio de Santa Ana de Victorias ang Enderun sa men’s basketball, 85-84.

Ang dalawang paaralan na may palayaw na Titans ay parehong pumasok na walang talo sa kanilang unang limang laro.

Sa beach volleyball, kampeon ang pares ng UST na sina Merry Rose Jauculan at Derie Virtusio kontra sa National University, 2-0.

Bumawi ang NU sa mga kalalakihan ng manalo sina James Butraygo at Pol Salvador laban sa mga taga-University of the Philippines, 2-0.

Nanatili sa UP ang kampeonato sa football matapos ang kanilang 1-0 na tagumpay sa NU.

Pangkalahatang kampeon din ang Maroons sa Athletics.

Nagsimula ang 24th Unigames noong Okt. 21. May 34 na paaralan mula sa lahat ng sulok ng kapuluan ang nagpadala ng mga kinatawan sa taunang pagtitipon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page