top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Kahit walang maisuplay.. Taas-singil sa tubig, inihirit

Mylene Alfonso
Oct 28, 2019
1 min read

Ginagawan na ng solusyon ng Palasyo ang nakaambang krisis sa tubig sa Metro Manila.

“Eh gagawan natin ng paraan para hindi maging malubha ang krisis na iyan. Kung merong problema, eh, bibigyan natin ng solusyon. So, I think those people who are responsible for that will have to do their job,” ani Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Pag-aaralan din aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hirit ng mga water concessionaires na taas-singil sa tubig.

“Eh, lahat ‘yan, eh, pag-aaralan din ng Presidente at gagawa siya ng mga kaukulang hakbang upang magkaroon ng katuparan ‘yung mga sinabi niyang kailangang walang water crisis sa bansa,” ani Panelo.

Samantala, hindi pa masabi ng mga water concessionaires kung kailan matatapos ang kanilang service interruption.

Depende pa umano ito sa lebel ng tubig sa Angat Dam kung saan sila kumukuha ng pinakamaraming suplay ng tubig.

Kaugnay nito, pabor ang water concessionaire na Manila Water sa pagpapatayo ng kontrobersiyal na Kaliwa Dam sa Infanta, Quezon dahil dagdag-suplay umano ito para sa milyun-milyon nilang kustomer.

Mahirap umano kung sa Angat Dam lang aasa at kailangan na ng iba pang mapagkukuhanan ng tubig.

Gayunman, tutol ang mga residente ng Infanta sa proyekto dahil itatayo umano ang nasabing dam sa lugar na may fault.

May lugar din umano na pag-aari ng mga katutubo ang matatamaan at maaari ring malubog sa baha ang ilang lugar sa bayan kapag itinayo ang dam.

Matatandaang, nag-umpisa noong Huwebes ang pagpapatupad ng Manila Water at Maynilad ng rotational water interruption sa Metro Manila para matipid umano ang tubig sa Angat Dam.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page