Kahit kambal pa… Korina, umaming magkaibang-magkaiba ang ugali ng mga anak nila ni Mar

Photo: @korina
Sobrang happy din and proud na proud si Korina Sanchez sa natanggap na Best Magazine Show and Best Magazine Show Host awards sa nakaraang 33rd PMPC Star Awards for TV para sa kanyang Rated K.
Feeling daw niya ay 25 yrs. old siya ulit at bagama’t nanalo na rin siya before ng nasabing dalawang awards, indescribable pa rin daw ang feeling up to now.
Wish niya nga na sana raw ay makatanggap pa rin siya ng awards kapag malaki na ang twins niya na sina Pepe & Pilar.
“Sana naman, sa lifetime ng mga anak ko, makapanalo pa rin ako ng mga awards para masabi naman nila na ‘Uy, buhay na ako nu’ng mga panahon na ‘yun, nanalo pa rin ang nanay ko!’” masayang wika ni Korina nang makausap namin matapos niyang tumanggap ng award.
Aniya, ang lahat ng ginagawa niya ngayon ay para sa kanyang dalawang anak at gusto niyang mag-set ng magandang example sa mga ito.
Magkaiba raw ang ugali ng kanyang 2 anak. Medyo happy-go-lucky daw si Pepe habang si Pilar ay medyo suplada, pero hindi raw dapat sabihin sa bata ‘yun.
First Halloween nga ng mag-asawang Korina and Mar Roxas with the kids ngayong Nov. 1 at pinag-uusapan na raw nila kung ano ang kanilang gagawin.





Comments