top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Jayson Castro, malabo sa 30th SEAG dahil sa injury

Alvin Olivar
Oct 28, 2019
1 min read

Posibleng hindi na makasama sa 2019 Southeast Asian Games si Jayson Castro matapos magkaroon ng injury sa kanyang laro sa TNT kontra sa NLEX kamakailan. Mawawala para sa TNT si Castro ng tatlo hanggang apat na linggo, ayon sa team manager ng KaTropa na si Gabby Cui, dahil sa soleus muscle strain sa kanyang kanang binti. Nakuha niya ang injury noong Biyernes kung saan naglaro lamang siya sa first quarter ng kanilang games kontra NLEX.

Dahil sa injury ay binabalak ng Gilas Pilipinas coach na si Tim Cone na hindi na isama si Castro sa pool. “Jayson is going to have to step away from the Gilas team. He’s got a four-to-six-week injury that he has to heal from so I don’t see him being able to get ready in time to come and play. We are down to 14 guys and obviously, losing a guy like Jayson is a huge, huge blow,” saad ni Cone. Dagdag pa ni Cone, iniisip na nila kung papalitan nila si Castro sa pool o mananatili sila sa 14 na manlalaro dahil sa kanyang injury. Hindi rin nakikita ni Cone na magiging kondisyon si Castro kung sakali mang mapaaga ang paggaling ng kanyang injury.

Ang SEA Games sana ang pagbabalik ni Castro sa Gilas Pilipinas matapos magdesisyong magretiro sa national team pagkatapos ng FIBA Basketball World Cup qualifiers. Tuloy naman ang ensayo ng Gilas Pilipinas ngayong gabi sa Meralco Gym.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page