Iwas-siksikan at balyahan — PNP.. Pagdalaw sa sementeyo, i-advance
- Jeff Tumbado
- Oct 28, 2019
- 1 min read

Nasa kabuuang 35,000 police personnel ang ipakakalat sa buong bansa para magbantay ng seguridad at kaligtasan ng publiko para sa paggunita sa Araw ng mga Patay sa Nobyembre 1.
Ayon kay Police Brig. General Bernard Banac, bukod sa nabanggit na bilang ay may 100,000 volunteers pa mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ang magiging kasama o katuwang ng PNP.
Siniguro rin ng opisyal na ang deployment sa mga pulis ay 24-oras.
Nanawagan naman si Banac sa publiko, partikular ang magtutungo sa mga sementeryo na mas mainam kung dadalawin ang namayapang mahal sa buhay bago pa man dumating ang Nobyembre 1 upang makaiwas sa pakikipagsiksikan at balyahan sa dagsa ng mga tao.
Samantala, pinaalalahanang muli ng pulisya ang publiko na iwasang magpasok sa sementeryo ng anumang matutulis na bagay, alak at iba pang ipinagbabawal dahil kukumpiskahin din nila ang mga ito.





Comments