top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Horoscope | Oktubre 28, 2019 (Lunes)

  • Maestro Honorio Ong
  • Oct 28, 2019
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Oktubre 28, 2019 (Lunes): Tiyak ang pagyaman mo at ang isa pang masuwerteng balita ay higit kang mayaman kaysa sa pangkaraniwang mayaya­man.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lakas ng loob ang susi mo sa tagumpay. Sa iba, hindi sapat ang lakas ng loob para umunlad. Saan ka man mapunta, bitbitin mo palagi ang lakas ng loob mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-29-30-31-32-44.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Biglaan ang pag­dating ng tapang mo. Kung hindi mo makokontrol ito, lalala ang sitwasyon. Ka­pag naramdaman mong tu­matapang ka, mas magan­dang magiging mahinahon ka. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-11-13-20-24-37.

GEMINI (May 21-June 20) - Susugod ka kahit walang katiyakan ang resulta. Ang masuwerteng balita ay nagsasabing, sa pagsugod mo ay hima­lang malalaki at marami ang ma­giging pakinabang mo. Ma­suwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-17-29-31-39-45.

CANCER (June 21-July 22) - Madali kang maibu­buyo sa galit kaya iwasan mo ang mga taong may lihim na gustong makagalit mo ang isang malapit sa buhay mo dahil sa maliliit na mga bagay. Ma­suwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-19-24-34-40-43.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi ito gabay ng kapalaran, ito ay tiyak na ma­gaganap kung saan ikaw ay tatapang ngayon kung saan ang gusto mo ay laban kung laban. May panalo ka kaya? Malaking oo ang sagot. Ma­suwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-16-17-26-33-36.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ngayon ang tak­dang pana­hon para simu­lan ang mga proyekto mo na hindi matuluy-tuloy dahil pinanghihinaan ka ng loob at naduduwag ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-12-14-35-39-40.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang ayaw mo, ‘yun ang mangya­yari, pero ang resulta ay pabor sa iyo. Mauunawaan mong kumikilos ang kapa­laran kahit hindi ‘yun ang gusto ng tao para sa ikaga­ganda ng kanyang buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-20-21-25-38-40.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang pinanini­walaan mo, ‘yun ang gawin mong ga­bay sa buhay. Hindi ma­kabubuti para sa iyo na ang pinaniniwalaan ng iba ang iyong isasabuhay sa araw na ito. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-17-19-20-25-27.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sabi ng sarili mo, hindi mo kailangan ang tulong ng iyong kapwa. Ibig sabihin, nakalimutan mo na kaya maganda ang musika ay dahil maraming nota. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-18-22-25-33-35.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Malamig ang simoy ng hangin na ang ibig sabihin, gaganda ang takbo ng iyong kapalaran. Gayunman, ang payo ay lumayo ka sa mga taong alam mong sira ang buhay. Masuwerteng kulay-pur­ple. Tips sa lotto-15-17-21-23-30-37.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Gusto mo mang magalit, hindi mo ma­gagawa. Ikaw ay alipin ng pag-ibig ngayon at katoto­hanan na iyong kagagalitan ang magbibigay sa iyo ng sarap ng buhay. Masu­wer­teng kulay-pink. Tips sa lotto-5-16-29-31-34-42.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Damhin mo ang magan­dang buhay mo ngayon. Kung nagka­taong hindi mo gusto ang mga nangyayari, ang kapa­laran mo ay nagsasa­bing, maaayos ang lahat para sumaya ka. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-15-16-20-21-23.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page