DOH: Taguig, highest point sa NCR.. 96,866 nabakunahan kontra polio

Nanguna ang Taguig sa mga local government units sa National Capital Region sa pagpapatupad ng “Sabayang Patak kontra Polio” campaign ng Department of Health.
Sa ika-11 araw ng 14-day program, nakakuha ang Taguig ng rating na 102 percent kung saan umabot sa 96,866 residente ang nabakunahan.
Ang resulta ay dumaan sa validation ng DOH at World Health Organization.
Sa ilalim ng programa, ang mga kabataan na may edad 0-59 buwan ay binibigyan ng oral poliomyelitis (polio) vaccination upang matulungan ang kanilang pangangatawan na labanan ang virus na maaaring magdulot ng habambuhay na paralysis na puwedeng mauwi sa kamatayan.
Nagpahayag naman ng kagalakan si DOH Health Policy and Systems Development Undersecretary Mario Villaverde sa probinsyudad sa epektibong pagpapatupad ng anti-polio drive.
Ayon kay Taguig City National Immunization Program Coordinator Dr. Jennifer Lou Lorico-De Guzman, ang puntos ay patunay na mas malawak ang proteksiyon na ibinigay ng lungsod sa mga residente laban sa polio virus.





Comments