top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Dedma sa mga bashers… Rita, wa’ pakels sa paglobo ng katawan

  • Erlinda Rapadas
  • Oct 28, 2019
  • 1 min read

Dahil patuloy na mataas ang ratings ng rom-com seryeng One of the Baes, dedma, as in hindi apektado si Rita Daniela sa mga pumapansin sa kanyang body size ngayon. Basta positibo lang lagi ang kanyang pananaw sa maraming bagay. Hindi niya ikinahihiya kahit kaninuman ang kanyang katawan.

Masaya siya sa kanyang buhay at mas nai-inspire siyang mag­trabaho dahil sa magagandang feedback at comments sa One of the Baes. Hindi siya naiilang at nai-insecure sa kapwa niya artista dahil proud siya kung anuman ang sukat ng kanyang katawan.

Thankful si Rita dahil mara­mi ang natutuwa at nakaka-relate sa kanyang karakter sa OOTB bilang si Jowa, isang ba­baeng pala­ban, matatag at hindi sumu­suko sa anumang laban at pagsubok sa buhay.

Maraming mapupulot na aral sa comedy seryeng One of the Baes na pinag­bibida­han nina Ken Chan at Rita Danie­la kasama ang mga de-kali­breng ar­tistang sina Roderick Paulate, Amy Austria, Tonton Gutierrez, Jes­toni Alarcon at Melanie Mar­quez.

Habang inaapi-api ni Joyce Ching si Jowa, lalo namang naaawa ang mga viewers sa huli at patuloy na sumusubaybay sa OOTB gabi-gabi.

Hindi na nga kontrabida ang imahe ni Rita ngayon dahil sa tambalan nila ni Ken Chan, level-up na ang status niya bilang bida sa mga serye.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page