top of page
TALKIES - MAYOR VICO, UMAMING NEVER NAISIP MAG-SHOWBI-IG _vicosotto.jpg

Mga patay na kuto, sign na hindi tumalab ang paninira ng mga naiinggit

  • Socrates Magnus
  • Oct 27, 2019
  • 1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Eddie ng Veles@ facebook.com

Dear Professor, Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko na nagpahinguto ako at puro patay o pisa ‘yung mga lisa sa buhok ko? Pinahugot ko na lang ‘yung mga pisang lisa dahil makati sa ulo.

Naghihintay, Eddie

Sa iyo, Eddie, Naiwan sa iyo ang mga paninira ng mga inggit na inggit sa buhay mo. Ibig sabihin, tumigil na sila sa kaiintriga sa iyo dahil napansin nila na walang talab ang kanilang paninira sa iyo dahil sa halip na masira ka, sila ang umani ng kapintasan.

Napansin din nila na lalong gumaganda ang kapalaran mo habang ikaw ay sinisiraan nila. Gayundin, nakita nila na ang kanilang mga kasinungalingan ay bumabalik sa kanila kung saan ang buhay nila ay naging batbat ng mga pagsisinungaling.

Higit sa lahat, napansin din nila na ang karma ay kanila nang inaani.

Gayunman, dahil ang paninira ay masakit sa kalooban dahil pawang kasinungalingan, ayon sa panaginip mo, nasaktan ka nang konti at ito ay normal lang .

Sabi ng panaginip mo, ipanatag mo ang iyong loob dahil tapos na ang pang-iintriga nila sa iyo.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page