Marurunong na rin ang mga girls kaya pahiya siya… Babaerong aktor, 'di umubra sa pinormahang akt

BLIND ITEM:
Ladies man ang aktor na ito sa dami na ng naging girlfriends, naka-fling at niligawan.
Ang kakaiba sa aktor, wala pang inamin sa mga naging GFs, niligawan at lalo na ang naka-fling.
Ang generic nitong sagot tuwing natatanong sa mga girls na na-involve sa kanya, mga kaibigan lang silang lahat.
May kuwento pa nga na may kaibigan ang aktor na gusto siyang ipakilala sa isang beautiful and sexy girl, nagulat na lang ang kaibigan ng aktor sa sagot nitong ex-GF niya si beauty queen and no need for him to be introduced.
Kahit babaero, na-in love nang husto ang aktor sa isang magandang aktres na nakasama niya sa isang show.
Niligawan ang aktres at kahit ang mga bagay na hindi hinihingi sa aktor, kanyang ibinibigay.
Nagulat na lang minsan ang aktres nang dumating sa place niya ang aktor na may dalang branded rubber shoes na binili ng aktor para sa kanya. Naka-pogi points ang aktor sa aktres, but sad to say, hindi naging sila.
Older kasi ang aktres sa aktor at ayaw sigurong masabihang cradle snatcher, kaya hindi siya sinagot.
Ilang buwan lang brokenhearted ang aktor dahil may nakita agad na maganda at niligawan.
In a relationship ang aktor at ang aktres, bagay ang dalawa sa lahat ng aspeto.
Ang problema, hindi nila maamin ang kanilang relasyon kaya hindi sila masyadong makalantad.
Minsan, spotted sila sa kanilang date at pumapayag makunan ng pictures, pero nakikiusap yata ang dalawa na ‘wag i-upload ang photo nila kaya hindi nagba-viral.
Kung hanggang kailan patago ang relasyon ng dalawa, abangan na lang natin!





Comments