top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Jeron Teng, inakay ang Aces sa panalo kontra Elite

ATD
Oct 27, 2019
2 min read

Kumayod si Jeron Teng ng 19 points at walong rebounds upang akbayan ang Alaska Aces sa 101-91 panalo laban sa Blackwater Elite sa PBA Governors’ Cup kagabi sa Araneta Coliseum.

Bumakas si import Frank House ng 18 puntos at 11 rebounds habang 18 rin ang kinana ni local Abu Tratter para sa Aces na nakabangon agad mula sa pagkakadapa.

Maagang nagwala sa opensa ang Aces, first canto pa lang ay nakalagok na agad sila ng 10 puntos na bentahe, 29-19. Lalo pang ibinaon ng Alaska ang Elite sa second matapos itarak ang 31-17 at hawakan ang 24-point lead, 60-36 sa halftime.

Bahagyang nagpakita ng pangil ang Elite sa third quarter, nagtala ng 39-24 bentahe upang tapyasin sa siyam ang hinahabol, 75-84 papasok ng fourth.

Subalit, hindi basta naupos ang Aces sa fourth, inalagaan nila ang kanilang lamang upang makuha ang pangalawang panalo sa walong laro.Samantala, sisikapin ng Magnolia Hotshots na kalsuhan ang three-game skid pagharap nila sa Columbian Dyip sa alas-4:30 ng hapon sa parehong lugar.

Tangan ng Hotshots ang 3-1 karta at malapit sila sa tuktok bago nalasap ang tatlong sunod na talo kaya naman nais ni Pambansang Manok head coach Chito Victolero na matuldukan ang kanilang kamalasan.

“This is the start of our playoff run,” hayag ni Victolero. “We need to be consistent in our preparation for every game. We will start with the right approach for tomorrow’s game, (Columbian).”

Sasandalan ng Magnolia sina import Romeo Travis at locals Paul Lee, Ian Sangalang at Mark Barroca.

Pero tiyak na mapapalaban ng todo ang Hotshots dahil galing sa panalo ang dyip.

“Another tough challenge,” saad ni Columbian mentor Johnedel Cardel. “We should be able to recover quickly and be re-energized anew dahil sigurado they will come out strong.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page