Inuto ng nanay, sagot daw sa kahirapan.. 12 yrs. old, for sale sa cyberporn
- BRT
- Oct 27, 2019
- 1 min read

Kulong ang isang ginang na itinuturong nambubugaw sa kanyang 12-anyos na anak na babae sa Taytay, Rizal.
Ikinasa ang operasyon laban sa suspek nang makatanggap ng tip ang pulisya mula sa Australian Federal Police na nahulihan ng pornographic materials mula Pilipinas ang isang umano’y pedophile sa Sydney.
Narekober sa bahay ng mag-ina ang mga sex toys na ginagamit umano sa paggawa ng mga pornographic materials.
“Ang pagkakasabi niya, alam nu’ng bata ‘yung kahirapan na pinagdaraanan nila sa buhay at parang humingi siya ng tulong dito, sa anak niya, so, nakumbinsi niya ito na magpa-picture,” ani Police Col. Maria Shiela Portento sa isang panayam.
Samantala, nasa kustodiya na ng Department of Social Welfare and Development-Rizal ang biktima habang mahaharap naman sa mga kaso ang ina nito.





Comments