top of page

Iba’t-ibang uri ng migraine

  • Shane M. Ludovice, M.D
  • Oct 27, 2019
  • 2 min read

Dear Doc. Shane, Mahigit isang taon na ako sa trabaho at madalas akong nakararamdam ng pananakit ng ulo. Hindi ako sure kung dahil ba ito sa stress o migraine na kasi sobrang sakit talaga nito lalo na kapag magkakaroon na ako ng monthly period. Dahil dito, hindi ako maka-concentrate sa trabaho. Wala pa akong time magpa-check-up kaya maaari ba ninyong talakayin ang mga sanhi ng pananakit ng ulo? Salamat! — Jas

Iba’t-ibang uri ng migraine - Sabi ni Doc

Sagot Narito ang dalawang klase ng headache: Primary headache — kasama ang migraine, cluster at tension headache.

• Cluster headache. Ito ay matinding sakit ng ulo na tumatagal ng 15 minuto hanggang tatlong oras at maaaring magpaulit-ulit ng anim hanggang walong beses sa isang araw.

• Tension headache. Ito ay mararamdaman sa sentido o kaya ang sakit ay

parang binibigkis ang palibot ng ulo. Secondary headache — sakit ng ulo na ang sanhi ay ibang problema sa katawan tulad ng tumor sa utak o sakit ng ulo kasabay ng flu. Halos15% ng mga tao ay nakararanas ng migraine at higit sa kalahati ay mga babae. Ito ay tumatagal ng 4-72 hours. Narito ang ilan sa mga uri ng migraine:

• Common migraine. Kung saan ang matinding sakit ng ulo ay sinasabayan ng pagsusuka, sensitivity sa liwanag, ingay at masangsang na amoy tulad ng pabango.

• Classical migraine. Nakakapansin sila ng blind spots, flashing o zigzag patterns na liwanag sa kanilang paningin ng 15 minuto hanggang isang oras bago sumakit nang tuluyan ang ulo.

• Abdominal migraine. Madalas itong nararanasan ng mga bata. Kaunti lang ang sakit ng ulo pero meron itong kasamang matinding sakit ng tiyan.

• Hormonal migraine. May kinalaman ito sa pagdating ng kanilang menstrual period. Karaniwan, aatakihin sila ng migraine ng dalawang araw bago o matapos ang kanilang regla.

• Ocular migraine. Kapag umaatake ay lumiliit ang lawak ng paningin nang ilang minuto.

Kadalasan, kaugnay ito ng stress o anumang problema na nakapagpapabagabag sa tao. Mainam na magpatingin sa doktor para makasiguro sa sanhi ng madalas na pananakit ng iyong ulo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page