top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Dating seaman na may spongy na palad, mas susuwertehin kapag nagnegosyo

Maestro Honorio Ong
Oct 27, 2019
2 min read

Maestro Honorio Ong

Katanungan

1. Dati akong seaman, pero ayaw ko nang mag-abroad dahil mahirap at malungkot sa barko. Higit sampung taon na akong seaman, pero parang walang nangyayari. Nakapagpagawa ako ng bahay, pero may mga utang pa rin kami.

2. Nakapag-aral naman ang mga anak ko sa kolehiyo, pero iyong iba ay hindi pa rin successful, walang stable job at umaasa pa rin sa amin.

3. Gusto ko sanang magnegosyo dahil may naitatabi pa naman akong konting ipon. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung ano ang puwede kong inegosyo? At kung magnenegosyo ako, magtatagumpay at mapauunlad ko kayang muli ang aming kabuhayan?

Kasagutan

1. Tamang-tama at puwede kang magnegosyo dahil ikaw ay nagtataglay ng square type hand o elementary hand na bukod sa spongy o tumatalbug-talbog kapag sinalat, kapansin-pansin ding energetic ang hilatsa ng iyong palad (Drawing A. at B. arrow a.).

2. Ibig sabihin, kung magnenegosyo ka, malaki ang posibilidad na ikaw ay magtatagumpay na madaling kinumpirma ng bilugan mong pangangatawan at birth date mong 17.

3. ‘Yun nga lang, dahil ang numerong 17 ay pinaghaharian ng planetang Saturn, kung noong unang taon mo sa pag-a-abroad, marami kang pinagdaanang hirap at pagsubok bago mo napitas ang maganda mong posisyon sa barko.

4. Ganundin ang mangyayari sa sandaling nagnegosyo ka. Sa simula, maraming trials, pero kahit ganu’n, dapat kang magpakatatag at huwag sumuko dahil sadyang inilaan sa kapalaran mo ang mga pagsubok at pansamantalang kabiguan. Ngunit, pagkatapos ng nasabing mga pagsubok, mapasasaiyo na muli ang malaking tagumpay at pagwawagi sa larangan ng materyal na bagay na kinumpirma ng straight Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.

5. Ang pag-aanalisang may suwerte ka sa negosyo ay lalo pang pinagtibay ng Mercury Line (Drawing A. at B. m-m arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ang Mercury Line na ito na bihira nating talakayin. Tinitingnan din ito kung susuwertehin sa negosyo ang tao dahil si Mercury ay “God of commerce” sa Mitolohiyang Romano, kaya ang sinumang may malinaw at makapal na guhit sa Bundok ng Mercury (arrow c.) ay siguradong magtatagumpay at mananagana sa larangan ng pangangalakal, lalo na kung simple o kakaunti ang guhit sa kanyang palad at ‘yun ay tinataglay ng mga taong may square type hand at may straight Head Line pa (Drawing A. at B. H-H arrow b.) sa kaliwa at kanang palad tulad ng sa iyo. Dapat Gawin

Tama ang binabalak mo na magnegosyo at isaalang-alang mo ang mga negosyong may kaugnayan sa pagkain, agricultural products, mga kalakal na hibla, butil, mga kinatas na bagay na galing sa halaman tulad ng suka, alak, asukal, alcohol, kape, bigas at kung anu-ano pang bagay na galing sa halaman. Sa ganyang negosyo ka yayaman at ayon sa iyong mga datos, magsisimulang mangyari ang nasabing pagyaman mo sa 2023 at sa edad mong 57 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page